PatrolPH

PANOORIN: Pagnanakaw ng panabong na manok, sapul sa CCTV

ABS-CBN News

Posted at Feb 25 2022 06:49 PM

Watch more News on iWantTFC

 

LEGAZPI CITY - Huli sa CCTV ang tangkang pagnanakaw ng manok ng isang lalaki sa Barangay Imalnod, Legazpi City, Albay pasado alas-8 kagabi, Pebrero 24, 2022. 

Sa CCTV footage, makikita ang lalaking tila nagmamasid at naghahanap ng tiyempo. 

Maya-maya, bigla na lang nitong nilapitan ang manok. Pero nang mahawakan, biglang nag-ingay ang manok kaya binitawan ito ng lalaki bago siya kumaripas ng takbo. 

Ayon kay Santiago Bitancur, ang lalaking nagtangkang magnakaw ng kanyang manok ang posibleng suspek sa pagkawala ng iba pa niyang mga alagang panabong. Kawayan lang ang bakod sa kanilang bahay kaya posibleng madali nakapasok ang suspek. 

"Kaya nga po ako nagdesisyon na magpalagay na ng CCTV kasi lagi na lang ako nawawalan ng manok. Kagabi, nakamonitor kami sa CCTV bago yung pag-atake ng lalaki kaya lang nalingat kami kaya hindi namin agad nakita yung pagpasok niya. Narinig na lang namin na nag-ingay yung manok kaya saka namin tiningnan yung CCTV," sabi ni Bitancur.

Wala pang pagkakakilanlan sa suspek dahil hindi rin malinaw ang kuha ng mukha nito sa CCTV. Pero nireport na niya ang pangyayari sa kanilang barangay at sa pulisya. 

- Ulat ni Karren Canon


 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.