PatrolPH

Suspek sa pamamaril sa construction worker sa Maynila, arestado

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Feb 25 2021 05:28 AM

MAYNILA - Hinainan ng search warrant ang isang 32 anyos na lalaking sangkot umano sa pamamaril sa Baseco Compound, Port Area, Maynila Miyerkoles.

Higit isang taon din natago sa batas si Ronel Caparas alyas Ibac na suspek sa pamamaril sa construction worker na si Jason Corrales.

Taong 2019 nang magkaalitan sila nang maglagay ng pool table ang suspek sa lugar ng biktima nang walang paalam.

Pero ikinagalit ito ni Caparas at binaril sa ulo si Corrales na agad niyang ikinamatay.

Ayon kay Police Lt.Col. Robert Domingo, commander ng Baseco Police, nagtago sa Delpan ang suspek at minsa’y natutulog pa sa bangka.

Nang may magreport sa kanilang informant na nasa Baseco na si Caparas, sinamantala na nila ito para hainan ng warrant of arrest.

Haharapin na ni Caparas ang kasong pagpatay na isinampa sa kanya.

FROM THE ARCHIVES

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.