Nasabat ng Philippine Navy sa Sulu ang nasa P17.3 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo. Larawan mula sa Naval Forces Western Mindanao
Aabot sa mahigit 300 karton ng smuggled na sigarilyo ang nasabat ng mga sundalo sa isang fishing boat sa bayan ng Kalingalan Caluang, Sulu noong Martes.
Galing umano ang mga sigarilyo sa Indonesia at dadalhin sana sa Cotabato City.
Tinatayang aabot sa P17.3 milyon ang halaga ng kontrabando.
Ayon kay Naval Forces Western Mindanao Public Affairs Officer Lt. Chester Ross Cabaltera, isang Hadji Wari ang nagmamay-ari ng bangka.
Dinala na ito sa Zamboanga City kung saan isinailalim sa medical checkup ang crew ng bangka.
Itinurn over na rin ang mga sigarilyo sa Bureau of Customs.
- Ulat ni Liezel Lacastesantos
RELATED VIDEO
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Sulu, smuggling, smuggled cigarettes, sigarilyo, Philippine Navy, Naval Forces Western Mindanao, Tagalog news