MAYNILA — Pina-iimbestigahan na ng Manila Police Distrcit (MPD) kung magkakaugnay ang magkasunod na pagdukot sa mga pulis sa lungsod na ito.
Ayon kay MPD Director Police Briig. Gen. Leo Francisco, bumuo na sila ng Special Investigation Task Group Hilario na tututok sa imbestigasyon sa serye ng kidnapping.
Pinakahuling dinukot noong Miyerkoles ang suspendidong pulis na si Patrolman Real Lopez Tesoro. Sa kuha ng CCTV, kita si Tesoro at live-in partner nitong sakay ng motorsiklo nang harangin sila ng 2 sasakyan.
Noong isang Huwebes, dinukot naman ang naka-duty na pulis sa si Police Col. Allan Hilario.
Patuloy ang paghahanap sa 2 pulis.
Hindi pa masiguro kung may kaugnayan ang dalawang insidente pero tila may pagkakapareho umano sa istilo ng pagdukot, ani Francisco.
Matapos ang nangyari, inikutan na ni Francisco ang lahat ng istasyon ng MPD para i-account ang mga pulis at muling sinabihan ang kanyang mga hepe na mahigpit ipatupad ang buddy system, kung saan walang pulis na du-duty mag-isa.
RELATED VIDEO:
—Ulat ni Jerome Lantin, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPh, Tagalog news, balita, krimen, PNP, MPD, kidnap, pulis dinukot, Manila Police Distrcit