MAYNILA - Pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Miyerkoles ang ilang empleyado ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nasuspinde o 'di kaya natanggal sa puwesto dahil sa korapsyon.
Ani Duterte, ang ilan sa kanila ay inalis na pwesto matapos umano tumanggap ng suhol para mapalaya o mapawalang sala ang isang drug suspect.
“If you are a --- if you are bribing or you are in the take that you can be bribed, you should not be there in the service at all. Hindi ako puwede magsabi niyang i-dis --- ah i-suspend lang kasi gagawa ito nang gagawa nang gagawa sa... Those policemen, PNP, na ang mga kasalanan itong related sa drugs pati itong pera, malversation, there's only one penalty there: They should not be in government. They should be out in the streets," aniya.
Inutos niya sa PDEA na tuluyan nang alisin sa puwesto at hindi lang basta isuspinde ang mga may ganitong kaso.
“I'll be asking the PDEA to come up with the list of itong lahat ng mga tao in government, lalo na 'yang law enforcement, na kung sino iyong napatanggal kasi may suspetsa ako --- hindi lang suspetsa --- sigurado ako na gagawa ito ng milagro para to continue with this nefarious activity.So, bantayan ito sila. There must be a team dedicated to watch only these guys who were dismissed from the service," ani Duterte.
Nagbabala rin siya na makakatikim sila sa pangulo kapag hinarap sila sa kanya, kahit na magdemanda sila o magreklamo sa Commission on Human Rights.
"Bago kayo paalisin, sabihin ko sa --- kay ano --- sa PDEA na dalhin ka muna sa akin. Pabaunan kita ng --- ako gusto ko martilyo eh. Ako ginagawa ko martilyo minsan kasi kung martilyuhin mo 'yong kamay, maggaganun na hindi na maka... Totoo, martilyo. Hindi iyong bilog, 'yong naka-ganun," ani Duterte.
FROM THE ARCHIVES
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Rodrigo Duterte, corruption, korapsyon, PDEA, Philippine Drug Enforcement Agency, Tagalog news