Shabu nakuha sa bahay ng 'drug personality' sa Laoag

ABS-CBN News

Posted at Feb 25 2020 02:29 AM

ILOCOS NORTE - Nakuha sa bahay ng isa umanong drug personality ang 18 sachet ng hinihinalang shabu sa operasyon ng mga pulis Lunes ng umaga sa Laoag City. 

Sa bisa ng search warrant, nakuha ang droga na may kabuuang halaga na P18,000 sa isang box na nakapatong sa plastic cabinet sa loob ng nasabing kuwarto. 

Nakuha rin ang isang rifle grenade.

Ayon sa misis ng target, wala ang kanyang mister sa bahay at hindi sa kanya ang mga nakuhang ilegal na droga at granada. 

Ikinagulat nito na may laman ang box na mga ilegal na droga at sinabing itinanim ang mga ito.-Ulat ni Grace Alba, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.