Pulis sugatan sa pamamaril sa Quezon

ABS-CBN News

Posted at Feb 25 2020 12:33 AM

QUEZON - Nananatili pa rin sa ospital ang isang pulis matapos barilin habang sakay ng tricycle Lunes ng hapon sa Purok Pagkakaisa, Barangay Gulang Gulang, Lucena City.

Kinilala ang biktima na si Lowie Vargas, 41 anyos, residente ng Real, Quezon at kasalukuyang nagtatrabaho sa Quezon Provincial Police Office.

Ayon kay Police Senior Master Sgt. Rosemarie Angcana ng Lucena Police, nasakay sa motorsiklo ang mga salarin na tumakas patungo sa city proper ng Lucena.

Patuloy ang imbestigasyon sa pangyayari.- Ulat ni April Rose Magpantay, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.