Lalaking umano’y nagwala, tiklo nang makuhanan ng granada, mga bote ng diesel

Nico Delfin, ABS-CBN News

Posted at Feb 25 2020 09:21 PM

Naalarma ang isang pamilya nang sinugod sila sa kanilang bahay ng isang 29 anyos na lalaki na may dalang granada sa Barangay Tuyom sa bayan ng Cauayan, Negros Occidental, Lunes ng umaga.

Ayon kay Major Lowell Garinganao, binantaan ng suspek ang 24 anyos na guro na kaniyang dating nobya gamit ang granada para balikan siya.

Tumakas ang lalaki sakay sa bus, pero inaresto siya ng Cauayan Police sa Barangay Poblacion nang pigilin ang sinasakyan niyang bus sa checkpoint.

Bukod sa granada, nakuha rin sa suspek ang dalawang bote ng diesel at kutsilyo.

Ayon kay Garinganao, iniwanan ng nobya niya ang suspek kasi iba na umano ang ikinikilos nito. Inaakusahan din siya ng dating nobyo na isang aswang.

Haharap siya sa kasong illegal possession of explosives ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.