2 lalaking sakay sa motor, patay matapos bumangga sa poste sa Negros Or.

Nico Delfin, ABS-CBN News

Posted at Feb 25 2020 08:43 PM

Patay ang isang lalaki at ang kaniyang kasama matapos bumangga ang kanilang sinasakyang motor sa isang poste sa bayan ng Sta. Catalina sa Negros Oriental.

Natagpuan ang mga bangkay nina Ricky Tomarong at Ronald Villamor sa gilid ng isang kanal sa Barangay Poblacion Lunes ng madaling araw.

Sa imbestigasyon ng Sta. Catalina Police, may skid marks sa makurbadang daan malapit sa mga biktima kaya’t naniniwala sila na posibleng nawalan ng kontrol ang motorcycle rider bago sila bumangga sa poste.

Nagtamo ng sugat sa ulo at at iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima.

Narinig din umano ng mga residente ang malakas na pagsalpok bago nadiskubreng patay ang mga biktima.

Tuloy ang imbestigasyon sa pangyayari.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.