2 Chinese national nasagip sa umano’y kidnapping sa Pampanga

ABS-CBN News

Posted at Feb 25 2020 02:51 AM | Updated as of Feb 25 2020 04:21 AM

Nasagip ng mga pulis sa isang hotel ang 2 Chinese national na sinasabing biktima ng umano’y kidnapping nitong Lunes sa Clark, Pampanga. 

Ayon kay Police Lt. Col. Villaflor Bannawagan, hepe ng Luzon Field Unit ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group, nagsagawa sila ng operasyon matapos lumapit sa kanila ang mga kaibigan ng mga biktima upang i-report ang insidente. 

Naaresto ang isang Pinoy na suspek at nakuha ang baril, mga bala, posas, kutsilyo at bag. 

Sa follow-up operation naman sa isa pang hotel, natimbog ang isa pang Chinese national na suspek. 

Narekober ang isang mini-van na pinaniniwalaang ginamit sa pagdukot sa mga biktima.-Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.