Mahigit P400,000 halaga ng shabu, nasabat sa Tacloban

Geron Ponferrada, ABS-CBN News

Posted at Feb 25 2019 11:52 PM

TACLOBAN CITY - Arestado sa buy-bust operation ang isang lalaki matapos itong makuhanan ng mahigit kumulang P400,000 halaga ng hinihinalang shabu sa Tacloban City.

Kinilala ang suspek na si Jeffrey Macaso. Arestado siya sa ikinasang operasyon sa kaniyang bahay sa Lunes ng hapon.

Nasa 21 sachet ng hinihinalang shabu ang nakuha ng awtoridad sa bahay ni Macaso. Nakuha rin mula sa kaniyang bahay ang isang weighing scale, drug paraphernalia, at pera.

Ayon sa pulisya, iniimbestigahan pa nila ang ulat na pamangkin umano ng isang retiradong opisyal ng National Police Commission ang suspek.

Haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.