PatrolPH

Lalaking tumakas sa checkpoint, nakipagbarilan, patay sa Pampanga

ABS-CBN News

Posted at Feb 25 2019 01:51 PM | Updated as of Feb 25 2019 02:24 PM

Napatay ang isang lalaki matapos makipagbarilan sa mga pulis sa bayan ng Apalit, Pampanga nitong madaling araw ng Lunes. 

Pinaharurot ng hindi pa nakikilalang lalaki ang kaniyang motorsiklo papatakas sa checkpoint na inilatag ng mga awtoridad sa Barangay Tabuyoc, ayon sa ulat ng pulisya.

Hinabol siya ng mga pulis at nang makorner, agad bumunot ng baril ang lalaki at pinaputukan ang mga pulis, na napilitan namang gumanti, ayon sa ulat.

Bukod sa baril, nakuhanan din ang lalaki ng tatlong sachet ng hinihinalang shabu.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng lalaki.

-- Ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.