Lalaki pinaslang habang naglalakad sa Cebu

ABS-CBN News

Posted at Feb 25 2018 11:26 AM

Iniinspeksyon ng mga pulis ang lugar kung saan pinaslang ang isang 40-anyos na lalaki. ABS-CBN News

LAPU-LAPU, Cebu - Patay ang isang lalaki matapos barilin ng hindi nakilalang salarin sa Sitio Seaside, Barangay Pusok sa lungsod na ito nitong Sabado.

Ayon sa mga imbestigador, naglalakad ang biktimang si Quirino Calunsag nang mangyari ang pamamaslang dakong alas-10 ng gabi.

Narekober anila sa 40-anyos na biktima ang 3 pakete ng hinihininalang shabu.

Dahil dito, tinintingnan anila ang anggulong may kinalaman ang pamamaslang sa ilegal na droga.

Ulat ni Jude Torres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.