Ilang lugar sa Pasay, Rizal, mawawalan ng kuryente sa Lunes

ABS-CBN News

Posted at Feb 25 2018 03:21 PM

Nag-abiso ang Meralco na mawawalan ng kuryente ang ilang lugar sa Pasay City at Rizal province sa Lunes, Pebrero 26, dahil sa isasagawang maintenance.

Narito ang mga apektadong lugar:

CAINTA, RIZAL

Mula alas-10 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon:

  • Bahagi ng Tulip Street mula sa Chestnut Street hanggang Huckberry Street, kabilang ang mga kalsada ng Fiddle Wood, Iron Wood, Red Bud, Rose Wood, at Carnation sa Greenwoods Executive Village Phase 2, Barangay San Juan.
  • Bahagi ng Cotton Wood Street mula Fiddle Wood Street hanggang Huckberry Street, kabilang ang mga kalsada ng Acacia at Adler sa Greenwoods Executive Village Phase 2, Barangay San Juan.

 
TANAY, RIZAL

Mula alas-10 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon:

  • Bahagi ng Marcos Highway (Marikina Infanta Highway) mula Signal Village sa Barangay Sampaloc hanggang Daraitan National High School sa Barangay Daraitan
  • lang bahagi ng Camp Gen. Mateo Capinpin, Balikatan, Kapatiran at Pagkakaisa Villages, at mga sitio ng Bathala, Balangkat, Agoho, Hinadyungan, Lalabasin, Masalat, Masanting, Alas-Asin at Macaira sa Barangay Sampaloc at Daraitan.

PASAY CITY

Mula alas-11:30 ng gabi ng Lunes hanggang alas-4:30 ng madaling araw ng Martes:

  • Bahagi ng Aurora Boulevard mula Stone House Hotel hanggang The Wine Museum Hotel & Resto.
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.