Ilang lugar sa Metro Manila, mawawalan ng tubig

ABS-CBN News

Posted at Feb 25 2018 03:12 PM

Nag-abiso ang Maynilad na magkakaroon ng water service interruption sa ilang lugar sa Quezon City, Maynila, Malabon, Valenzuela at Navotas dahil sa isasagawang maintenance activity.

Mawawalan ng tubig sa mga sumusunod na lugar:

PEBRERO 26 HANGGANG 27

MAYNILA (Mula alas-11 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw)

  • Mga lugar na sakop ng mga kalsada ng C.M Recto, Quezon Boulevard, Lerma, N Reyes, Legarda, Estero de San Miguel, Estero de Sampaloc, G. Tuazon, A.H. Lacson, Estero De Aviles, M. Jhocson, Lacson, at Estero de Aviles (Barangay 395, 409 hanggang 412, 416, at 419 hanggang 420)

QUEZON CITY

  • Bahagi ng Barangay San Antonio, Del Monte, at Paltok (Mula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw)

CALOOCAN CITY

  • Barangay 159 at 162 (Mula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw)

MALABON CITY

  • Bahagi ng Gozon Compound, Barangay Longos at Tonsuya (Mula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw)

NAVOTAS CITY 

  • Bahagi ng Barangay North Bay Boulevard - South (Mula alas-11:59 ng gabi hanggang alas-3 ng madaling araw)
  • Bahagi ng Barangay San Jose (Mula alas-11 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw)

VALENZUELA CITY

  • Bahagi ng Barangay Karuhatan at Gen. T. De Leon (Mula alas-10 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga)
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.