Apat arestado sa buy-bust sa QC

Fred Cipres, ABS-CBN News

Posted at Mar 31 2019 08:42 AM

MANILA - Hiyang-hiyang at hindi maipakita ang mga mukha ng apat na suspek na nahuli sa buy-bust operation na ikinasa ng pulisya sa Barangay Paligsahan, Quezon City. 

Ayon kay Police Col. Benjie Tremor, target ng operation si alyas Roger, 34-anyos. Nabilihan umano si Roger ng nagpanggap na buyer ng shabu na nagkakahalaga ng P6,000.

Damay din sa operasyon ang magpartner na sina alyas Nestor, 48-anyos at alyas Lottaday, 35-anyos na kasabwat umano sa pagbebenta ng illegal na droga. 

Inaresto din si alyas Daniel, 29-anyos, na parokyano at nakuhaan ito ng isang sachet ng hinihinalang shabu. 

Nakakumpiska ang ilang pakete ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P108,000. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.