9 preso, 1 pulis sugatan sa riot sa Quezon City Jail

Michael Delizo, ABS-CBN News

Posted at Feb 25 2018 07:54 PM | Updated as of Oct 11 2018 06:06 AM

MAYNILA - Sugatan ang 9 na preso at 1 pulis sa riot ng 2 grupo sa Quezon City Jail, Linggo ng hapon. 

Ayon kay Supt. Christian dela Cruz, ang kumander ng Station 10, mga miyembro ng Commando at Sigue Sigue Sputnik ang nag-away.

Pero aniya, hindi pa nila matiyak ang eksaktong dahilan ng riot ng dalawang grupo. 

Narekober naman ng mga awtoridad mula sa mga nag-away na preso ang mga improvised arrows at mga bato. 

Wala namang nasaktan sa mga dalaw na agad lumikas ng magkagulo sa kulungan. 

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente habang nilapatan na ng lunas ang mga sugatan.--kasama ang ulat ni Angel Movido, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.