PatrolPH

Teenager nagtamo ng second-degree burn sa sunog sa Zamboanga City

ABS-CBN News

Posted at Feb 24 2021 03:25 PM

ZAMBOANGA CITY — Isang person with special needs ang nagtamo ng second-degree burn o paso sa sunog na tumama sa isang residential area sa lungsod na ito nitong madaling araw ng Miyerkoles.

Wala namang naiulat na nasawi sa sunog.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog bandang alas-2 ng madaling araw sa ikalawang palapag ng isang bahay sa Barangay Guiwan.

Sa naturang bahay umano nangungupahan ang pamilya ng 14 anyos na lalaking nagtamo ng burn.

Natupok ang 2 bahay habang isa naman ang partially damaged, ayon sa BFP. 

Umabot umano sa P300,000 ang halaga ng pinsala sa ari-arian.

Hindi pa mabatid ng BFP kung ano ang dahilan ng sunog.

— Ulat ni Leizel Lacastesantos

RELATED VIDEO:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.