PatrolPH

Sundalo, 3 iba pa, huli sa buy-bust sa Rio Hondo

ABS-CBN News

Posted at Feb 24 2021 10:05 AM

Sundalo, 3 iba pa, huli sa buy-bust sa Rio Hondo 1
Narekober mula sa apat na suspek, kabilang ang isang sundalo, ang 12 pakete ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Rio Hondo sa Zamboanga City

Arestado ang isang sundalo at tatlo pa nitong kasamahan sa isinagawang buy-bust operation ng awtoridad sa Rio Hondo, Zamboanga City, Martes ng gabi.

Miyembro ng Philippine Army ang sundalo na may ranggong Private First Class.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, narekober mula sa kanila ang 12 pakete ng hinihinilang shabu na nagkakahalaga ng P15,000.

Nasa kustodiya na ng Police Station 11 ang apat na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. 

- Ulat ni Leizel Lacastesantos

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.