Mga pagkukumpuni sa kahabaan ng NLEX, nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at Feb 24 2021 04:49 AM

MAYNILA - Nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko ang pagkukumpuni sa isang bahagi ng southbound lane sa North Luzon Expressway nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Isinarado ang bahagi ng expressway sa southbound malapit sa Tabang Exit, at naglagay na lang ng zipper lane.

Tumukod ang buntot ng trapiko hanggang sa malapit may Sta. Rita Exit. 

Inabot ng mahigit apat na oras sa trapiko ang ilang motorista.

Hindi tinukoy ng NLEX kung ano ang eksaktong kinukumpuni sa nasabing lugar.

Walang naunang abiso ang NLEX kaugnay nito sa kanilang mga social media page.

RELATED VIDEO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.