Bodyguard ng alkalde sa Davao del Sur, patay sa pamamaril

ABS-CBN News

Posted at Feb 24 2021 12:39 AM | Updated as of Feb 24 2021 12:40 AM

Patay ang isang 38-anyos na bodyguard sa pamamaril sa bayan ng Santa Cruz, Davao del Sur Linggo ng hapon.

Ayon sa mga awtoridad, namasyal si Jerwel Alpeche Elentorio kasama ang kanyang pamilya sa Passig Islet, Purok Sampaguita sa Brgy. Bato at pumunta siya sa parking area, nang biglang dumating ang dalawang armadong lalaki na lulan ng motorsiklo na walang plate number.

Agad umanong binaril ng angkas sa motorsiklo ng dalawang beses si Elentorio at kinuha ang sling bag ng biktima.

Isinugod sa Digos Doctors Hospital ang biktima pero idineklara siyang dead on arrival.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng krimen at tinutukoy ang mga responsable.

Ang biktima ay personal bodyguard umano ng alkalde ng Matanao, Davao del Sur.--Ulat ni Hernel Tocmo

RELATED VIDEO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.