5 kinasuhan sa panggagahasa ng menor de edad sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Feb 24 2021 04:03 AM

DAVAO CITY -- Arestado ang limang lalaki matapos ireklamo ng panggagahasa sa isang 15 anyos noong Pebrero 17 ng madaling araw sa Barangay Daliao sa Davao City.

Dumulog sa Toril Police Station ang biktimang si alyas Mae kasama ang kaniyang kapatid para maghain ng reklamo laban sa limang lalaki.

Ayon sa pulisya, Pebrero 16 nang dumalo sa birthday party ng kaniyang kaibigan ang biktima, at nakasama niya ang mga suspek sa inuman.

Lumipat umano sila sa bahay ng isa sa mga suspek, pero puwersahang pinapasok sa bahay ang biktima at doon na na nangyari ang panghahalay.

Base rin sa ulat ng pulisya, hindi na nakasigaw at nagpumiglas ang biktima dahil sa takot sa mga suspek.

Kinasuhan na ng paglabag sa Republic Act 8353 o Anti-Rape Law of 1997 ang limang suspek.

Isinailalim naman sa medico-legal examination sa Southern Philippines Medical Center ang biktima at hinihintay ang resulta.

- ulat ni Hernel Tocmo

RELATED VIDEO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.