Lalaki natagpuang patay, nakaposas sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Feb 24 2020 12:44 PM

Isang hindi pa nakikilalang lalaki ang natagpuang patay sa pamamaril sa Caloocan City noong gabi ng Linggo.

May tama ng bala sa ulo ang lalaki, na natagpuang nakadapa at nakaposas ang mga kamay sa may Bankers Village 1, Barangay 171. Narekober din sa crime scene ang ilang alahas at isang sachet ng hinihinalang shabu mula sa jacket.

Apat na basyo ng bala ang nakuha ng crime scene investigators.

May mga dumaan sa may gate ng village at iniulat sa mga guwardiya ang natagpuang bangkay, ayon kay Rene Ibañez, officer in charge ng security sa Bankers Village 1.

Hindi rin taga-roon sa lugar ang lalaki, ayon sa mga guwardiya.

Iniimbestigahan ng mga pulis ang pamamaril.

-- Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.