9 Japanese national pina-deport ng BI

ABS-CBN News

Posted at Feb 24 2020 11:38 PM

Siyam na Japanese national ang tuluyan nang pinadeport ng Bureau of Immigration (BI) sa kasong telecommunications fraud sa kanilang bansa.

Kabilang ang mga pinapadeport sa 36 na Japanese national na naaresto sa Makati nitong Nobyembre 2019, ayon kay BI Commissioner Jaime Morente.

Isinasapinal pa sa ngayon ang deportasyon ng mga natitira pang naaresto.

Sa ulat ng mga Japanese authorities sa BI, aabot sa 2 bilyong yen o katumbas ng 18 milyong US dollars ang kabuuang halaga ng telecommunications fraud na kinasasangkutan ng mga suspek.

-Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.