6 arestado sa drug den raid sa Valenzuela

ABS-CBN News

Posted at Feb 24 2019 02:03 PM | Updated as of Feb 24 2019 07:00 PM

Anim arestado matapos salakayin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isa umanong drug den sa Valenzuela City noong hapon ng Sabado.

Watch more in iWantTFC

Ayon kay PDEA District Officer Amir Estanislao, target ng operasyon sina alyas "Enan," "Lance" at "Moymoy" na umano ay talamak na suplayer ng droga at nangangasiwa sa drug den sa isang bahay sa Barangay Gen. T. de Leon.

Nahuli si "Enan" at limang iba pa pero hindi nadatnan sa lugar sina "Lance" at "Moymoy."

Nakumpiska ang nasa 26 sachet ng shabu na nagkakahalagang P68,000, at isang replica ng baril.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.

-- Ulat ni Angel Movido, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.