14 bahay, nasunog sa Davao City

Hernel Tocmo, ABS-CBN News

Posted at Feb 24 2019 07:57 PM

DAVAO CITY - Tinupok ng apoy ang 14 bahay sa Purok 10, Bosque, Brgy. Bunawan Proper, Davao City Linggo ng hapon.

Nagsimula ang sunog sa kusina ng bahay ng pamilya Pino, pero hindi pa matukoy ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng apoy.

Mabilis kumalat ang sunog sa katabing mga bahay dahil gawa sa sawali at light materials ang mga istruktura.

Inilikas sa gym ng isang pampublikong paaralan ang mga nasunugan, na makakatanggap ng paunang ayuda tulad ng pagkain at damit.

Biyernes ng hapon, nasunog din ang 28 bahay sa Sitio Calderon sa parehong barangay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.