Sunog sumiklab sa isang palengke sa Cainta

ABS-CBN News

Posted at Feb 24 2018 05:02 AM | Updated as of Oct 07 2018 08:01 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Kuha ni Jay Santiago

Sumiklab ang isang sunog sa Karangalan market sa Imelda Ave., Barangay San Isidro, Cainta, Rizal Biyernes ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nai-report ang insidente alas-9:30 p.m. at umabot hanggang sa ikalawang alarma.

Idineklarang fire out ang nasabing lugar pagsapit ng hatinggabi.

Tinupok ang 6 na commercial establishments sa loob ng nasabing palengke na pawang mga pag-aari ng isang tao.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.

Iniimbestigahan pa ng BFP ang pinagmulan ng apoy at halaga ng pinsala.

Watch more in iWant or TFC.tv

Kuha ni Jay Santiago

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.