6 na ‘drug surenderees,’ timbog sa Valenzuela

Isay Reyes, ABS-CBN News

Posted at Feb 24 2018 05:08 AM | Updated as of Nov 12 2019 03:22 PM

Watch more in iWantTFC

Arestado ang 6 na drug surrenderees sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Ugong, lungsod ng Valenzuela Biyernes ng gabi.

Narekober mula sa mga nahuli ang P75,000 halaga ng umano'y shabu, 2 kalibre-.38 na baril at ilang drug paraphernalia.

Ikinasa ang operasyon sa labas ng isang motorcycle shop laban sa isang alyas Manny.

Nang magpositibo ang transaksiyon, sinugod ng mga operatiba ang loob ng motorcycle shop na umano'y ginagawang drug den.

"Naaktuhan ng mga pulis natin na may nag-pa-pot session," ayon kay Senior Insp. Gina Pariñas, tagapagsalita ng Valenzuela police.

"Dito galing sila sa iba't ibang trabaho tapos dumadayo sila para mag-session."

Lahat ng mga suspek ay nag-surrender na umano sa barangay pero nagsibalik pa rin sa ilegal na gawain.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.