12 preso sa Sulu na pumuga, pinaghahahanap

ABS-CBN News

Posted at Feb 24 2018 07:38 PM | Updated as of Oct 09 2018 11:59 AM

JOLO, Sulu—Labindalawang preso ang nakatakas sa lungsod na ito Sabado ng umaga.

Ayon sa paunang imbestigasyon, nakatakas ang mga preso habang wala ang guwardiya sa kaniyang poste sa detention cell sa Jolo Municipal Police Station.

Muli namang naaresto ng mga guwardia ang 17 iba pang preso na naunang tumakas ngunit ang 12 iba pa ay hindi pa rin nahahanap.

Kinilala ang 12 preso na sina Herbert Bael, Radzmir Salahuddin,
Nurhassan Taasan, Allim Misah, Abdulwahid Lipae, Junal Sali, Alvin Hamdi, Al-amil kipli, Algamer Bantala, Muthamir Pangambayan, Khan Balang, at Dante Abdulla.

Pansamantala namang inalis sa puwesto ang mga empleyado ng Jolo Municipal Police Station. 

Ang nasabing istasyon ay pamumunuan muna ng Sulu Police Mobile Force Company.

Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang mga pumugang preso.

-ulat ni Nickee Butlangan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.