10 bahay sa Maynila natupok; 20 pamilya apektado

Ron Lopez, ABS-CBN News

Posted at Feb 24 2018 11:20 PM

Natupok ang nasa 10 bahay sa Recto, Sta. Cruz, Maynila Sabado ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, apektado ang 20 pamilya matapos sumiklab ang sunog sa mga bahay na yari sa light materials pasado alas-6 ng gabi.

Inabot ng ikalawang alarma ang sunog bago tuluyang maapula alas-7:26 ng gabi.

Nadamay rin ang Gregorio del Pilar Elementary School at halos natupok ang buong ikalawang palapag ng isang gusali nito.

Walang naiulat na nasugatan sa insidente.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad kung ano ang pinagmulan ng sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.