1 patay, 1 sugatan sa pamamaril sa Tondo

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Feb 24 2018 10:23 AM

MAYNILA - Patay ang isang pedicab driver habang sugatan naman ang isang menor de edad sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril ng mga salarin na riding-in-tandem sa Tondo, Sabado ng madaling araw.

Dead on the spot si Teddy Angeles, 37, nang pagbabarilin habang nag-aabang ng pasahero sa kanto ng Juan Luna Street corner Perla Street.

Ilang minuto naman ang nakalipas nang mabaril din ang isang 15-anyos na binatilyo sa parehong lugar. Nagtamo siya ng tama ng bala sa kanang tuhod at agad isinugod sa Gat Andres Bonifacio Medical Center.
 
Ayon kay PO3 Ryan Balagtas ng Manila Police District Homicide Division, tatlong basyo ng bala ng hinihinalang kalibre .45 na baril ang narekober sa crime scene.

Nakarekober din ang pulisya ng isang sachet ng hinihinalang shabu mula sa namatay na pedicab driver.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.