Members of Dumagat-Remontado communities from Quezon and Rizal embarking on a nine-day march make a stop-over at the Ateneo De Manila University in Quezon City from General Nakar, Quezon en route to Malacañang Palace on February 22, 2023, in protest against the development of Kaliwa Dam. Mark Demayo, ABS-CBN News
Ginabi na ang pagmartsa sa Maynila ng mga katutubong tutol sa pagtayo ng Kaliwa Dam sa Quezon Province.
Hindi na nakapagtipon malapit sa Malacañang ang mga katutubo at kanilang mga tagasuporta gaya ng unang plano para mailapit kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanilang panawagan.
Sa halip, dumaan na lang ang daan-daang nagmartsa sa Mendiola Bridge bago tumuloy sa Paco Catholic School para sa solidarity program nitong Huwebes ng gabi.
Nakabantay naman sa ruta ng mga nagmartsa ang mga taga-Manila Police District, na nagpuwesto ng mga pulis sa tapat ng University of Santo Tomas at sa Mendiola.
Naging mapayapa ang paghaharap ng mga nagmartsa sa mga pulis.
Ito ang ika-9 at huling araw ng alay-lakad ng mga katutubong Dumagat-Remontado mula Rizal at Quezon.
Muli ring iginiit ng mga katutubo ang magiging masamang epekto sa kanilang lupain at kalikasan ng itatayong Kaliwa Dam, na nakikita ng gobyerno bilang panibagong pagmumulan ng tubig-inumin para sa Metro Manila.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.