MAYNILA — Hindi na nakapalag pa ang 31-anyos na lalake matapos siyang silbihan ng warrant of arrest ng Quezon City Police District (QCPD) dahil sa panggagahasa sa kaniyang pinsan.
Natunton ng pulisya ang suspek sa Pasay City kung saan nagbebenta ito ng cellphone accessories.
Ayon sa mga pulis, naganap ang krimen taong 2020 sa Las Piñas City.
Itinuturing din ng QCPD Station 1 na Top 6 Most Wanted ang suspek.
Itinanggi naman ng suspek ang alegasyon sa kaniya.
"Wala po talagang nangyari sa amin," giit ng suspek.
Kasalukuyang nakakulong ngayon ang suspek sa QCPD Station 1.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.