'Saan kami kukuha ng lakas': Pamilya nagdadalamhati matapos makuryente ang 2-anyos na bata

Josiah Antonio, ABS-CBN News

Posted at Feb 23 2021 04:00 PM | Updated as of Feb 23 2021 06:13 PM

Mga larawan mula kay Mharc Angara

MAYNILA (UPDATE) — Isang 2-anyos na bata ang pumanaw matapos makuryente nang maglaro ito ng kutsara at isinaksak ito sa extension cord. 

Lubos ang pagdadalamhati ng pamilya ni Jake Angara na pumanaw noong Biyernes matapos ang insidente sa kanilang tahanan sa Quezon City. 

"Mamaya tuluyan mo na kaming iiwan anak ko lagi mo kaming gabayan please sobrang bigat sobrang sakit 'di namin alam sa'n kami kukuha ng lakas sa nangyari," kwento ni Eloisa Angara, ina ng biktima sa kanyang Facebook post.

"Miss na miss na kita walang nangungulit sa'kin, sa'min ng papa mo mahal na mahal na mahal kita isa ka na ngayong anghel naming lahat sobrang mami-miss ka naming lahat wala nang sigla 'yung bahay wala ng ingay pag-uwi namin ... ILOVEYOUUUU MAHAL KO," dagdag pa niya. 

Nalibing na ang bata ngayong Martes, ayon sa pamilya. 

 

Kwento ni Eloisa, humihingi ng gatas si Jake sa kanya kaya naman pinagtimpla niya ito.

Habang nagtitimpla nakarinig na ang ina ng putok at agad na sinugod ang anak sa ospital ngunit binawian na ito ng buhay.

Labis din ang pagluluksa ng tito ni Jake na si Mharc Angara na, aniya'y, malapit sa loob ng bata. Kakadiwang lang ng kaarawan ni Jake nitong Pebrero 6.

"Sabi nila kamukha daw kita, pero 'di lang kamukha sobrang close tayong dalawa. 'Di ko ma-imagine na uuwi ako nang walang Jake na sasalubong dahil alam na meron akong pasalubong," kwento ng tito sa kanyang Facebook post. 

Ayon kay Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, maaaring makuryente ang isang tao kapag nagpasok ito ng bakal na gamit o ng mismong daliri sa mga outlet kaya kinakailangan ilayo ito sa mga bata.

"Maaari talagang maaksidente ‘pag iyan ay kinalikot o mayroong object na bakal na ininsert o kaya iyong daliri inilagay mismo doon sa opening ng outlet," sinabi ni Zaldarriaga sa ABS-CBN News sa isang text message. 

"Kung maaari po siguro to make sure na safe po iyan, ilayo po natin iyong mga anak natin na maliliit sa access nung mga outlets."

Nagbahagi rin siya ng ilang mga paalala para maiwasan ang makuryente sa iyong mga tahanan:

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.