PatrolPH

P90,000 halaga ng shabu nasabat sa Tondo; 2 arestado

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Feb 23 2021 04:03 AM | Updated as of Feb 23 2021 06:55 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Timbog ang dalawang lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng Jose Abad Santos Police sa Tondo, Maynila Lunes.

Nangyari ang transakyon sa Jose Abad Santos Avenue kung saan nakipagkita ang dalawang suspek.

Sa loob ng van sila nagbenta ng P500 halaga hinihinalang shabu sa nagpanggap na buyer. Pero nakuha pa sa kanila ang pitong pakete ng hinihinalang shabu na abot sa P90,000 ang halaga.

Ayon sa pulisya, dumadayo ang mga suspek sa iba-ibang lugar para magtulak ng droga.

Taga-Parañaque City ang 31 anyos na suspek at residente naman sa Malate ang kasama niyang 23 anyos na lalaki.

Pagbebenta ng droga na walang piyansa ang kasong isinampa laban sa dalawa.

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.