PatrolPH

Mag-asawang gumagawa ng pekeng driver's license timbog sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Feb 23 2021 06:50 PM

PAVIA, Iloilo - Timbog sa entrapment operation ng mga awtoridad ang mag-asawa na modus umano ang pamemeke ng driver's license. 

Isinagawa ang operasyon noong Lunes ng pinagsamang puwersa ng Highway Patrol Group-Region 6, Criminal Investigation and Detection Group Guimaras, at Pavia police.

Ayon sa mga awtoridad, sa Facebook dinadaan ng mag-asawa ang transaksiyon at sa Maynila pa umano ginagawa ang mga pekeng lisensiya.

Dagdag pa ng awtoridad, umaabot sa P4,000 ang halaga ng bawat isang lisensiya. 

Nakakulong na sa HPG-6 Headquarters sa Kampo Delgado ang mga nahuling suspek at nakatakdang sampahan ng kasong falsification of public documents. 


–Ulat ni Rolen Escaniel

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.