Lalaki patay sa banggaan ng kotse, truck sa Zamboanga City

ABS-CBN News

Posted at Feb 23 2021 11:24 AM

Patay ang isang lalaki matapos bumangga ang sinasakyan niyang kotse sa nakaparadang truck sa Zamboanga City noong gabi ng Lunes.

Kinilala ng pulisya ang nasawi bilang si Abraham Mohammad, 26 anyos.

Nasugatan din sa insidente ang kasama ni Mohammad na driver ng kotse na si Marjhon Perez, 22.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nag-over take ang kotse sa nakaparadang truck pero may nakasalubong itong isa pang sasakyan.

Nakaiwas umano si Perez sa sasakyan pero sumalpok ang kotse niya sa gilid ng truck, dahilan para magtamo ng sugat sa ulo si Mohammad.

Naitakbo pa sa ospital si Mohammad pero binawian din ng buhay. 

Hawak ng pulisya ang truck at kotse.

– Ulat ni Leizel Lacastesantos

FROM THE ARCHIVES:

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.