Halos P600,000 halaga ng shabu at mga baril, nasabat sa Davao

ABS-CBN News

Posted at Feb 23 2021 11:25 PM

Kuha ng Davao City PNP

DAVAO CITY — Aabot sa P592,000 na halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam mula sa dalawang lalaki sa isang buy-bust operation sa Jade Valley sa Brgy. Buhangin, Davao City Sabado ng hapon.

Kinilala ang mga suspek na sina Khozen Villar, 30, at Kirl Bagohin, 34.

Si Villar ay kabilang sa listahan ng mga tulak ng droga sa lugar at matagal nang minamanmanan ng mga otoridad.

Kasama nitong nagbenta umano ng isang sachet ng shabu sa poseur buyer na pulis ang kaibigan niya na si Bagohin.

May dalawang sachet pa umano ng ilegal na droga ang dala ng dalawa. Kasama din sa mga narekober ng mga awtoridad ang dalawang revolver.

Nakasuhan na ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek.--Ulat ni Chrislen Bulosan

RELATED VIDEO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.