PatrolPH

Bata patay matapos makuryente sa Biliran

ABS-CBN News

Posted at Feb 23 2021 04:47 PM | Updated as of Feb 23 2021 07:51 PM

Bata patay matapos makuryente sa Biliran 1
Isang kandila ang nakatirik sa lugar kung saan natumba ang bata habang nagbibisikleta at nakuryente ng grounded na streetlight sa Culaba, Biliran. Larawan muna sa Biliran Police Provincial Office

Patay ang 5 taong gulang na batang lalaki matapos makuryente sa Barangay Habuhab sa Culaba, Biliran nitong Lunes.

Ayon sa pulisya, ipinagbigay-alam sa kanila ng ama ng bata ang insidenteng naganap alas-6:50 ng gabi ng Lunes.

Napag-alamang nagbibisikleta ang bata nang matumba ito sa grounded na poste ng streetlight at tuluyang makuryente.

- Ulat ni Ranulfo Docdocan

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.