MAYNILA - Umabot na sa pito ang bilang ng mga barangay sa Cagayan de Oro na apektado ng African Swine Fever.
Ayon kay Assistant Regional Director Carlota Madriaga ng Department of Agriculture Region 10 Field Operations Division, nadagdagan ng lima ang unang dalawang barangay na naiulat na may ASF.
“As of today, medyo nadagdagan kaso natin sa Cagayan de Oro, in terms of infection, medyo naapektuhan 'yung adjacent barangays so naging 7,” sabi in Madriaga sa panayam sa TeleRadyo Martes ng umaga.
Bukod sa CDO, minomonitor din ang Misamis Oriental na mayroon dalawang barangay na apektado rin ng ASF.
Nagpalabas na rin ng isang executive order si Misamis Oriental Gov. Yevgeny Emano hinggil sa temporary ban sa pag-ship ng mga baboy at produktong baboy galing sa mga lugar na apektado ng ASF. Bawal din ang pag ship ng mga baboy na mula sa backyard farms.
“Kanilang ma-ship lang outside galing sa commercial farms as long as kumpleto 'yung requirements like veterinary health certificate, saka 'yung licenses at permits. Pero kung galing sa backyard farms ay temporary banned talaga siya,” sabi ni Madriaga.
Samantala, ang ipinapadalang baboy naman papuntang Luzon ay karamihan galing sa probinsiya ng Bukidnon.
RELATED VIDEO:
“Ang Bukidnon ang pinakamalaking production area natin ng baboy sa Mindanao. 'Yung surplus natina ng ipinapadala outside not only in Luzon, but in other areas in Mindanao and in the Visayas,” dagdag niya.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Cagayan de Oro, Misamis Oriental, Tagalog News, Regional news, African Swine Fever, hogs, baboy, pork products, Department of Agriculture, TeleRadyo