Umano'y gambling den sa Makati sinalakay, ilang dayuhan huli

ABS-CBN News

Posted at Feb 23 2020 04:15 PM | Updated as of Feb 23 2020 05:03 PM

MAYNILA — Timbog ang 17 tao—12 dito ay mga dayuhan—sa isang hinihinalang gambling den sa loob ng isang condominium unit sa Makati City nitong Linggo.

Nakumpiska sa condo unit sa Barangay Lorenzo ang poker table at poker chips.

Ayon sa pulisya, isang opisina ang unit sa umaga pero pagsapit ng gabi ay nagiging gambling den daw ito. 

"Ito'y illegal kasi ang registration sa kanilang unit ay consultancy office pero nagtatanggap ng players [na] malakihan," ani Police Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati police.

Todo-tanggi naman ang may-ari ng unit at sinabing networking at pangkatuwaan lang ang paglalaro nila ng poker. 

"It's a private networking event and if you look at the evidence, we're not even making any money. Look at the chips, look at the books... Why would I risk my reputation and my 117 employees?" ani Oliver Lewis, may-ari ng unit.

Ang pagsalakay sa mga ilegal na pasagulan ay ikinasa matapos ang sunod-sunod na raid sa sex den ng foreign nationals sa Makati. —Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.