Nakumpiska ang nasa P3.4 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa 3 suspek na naaresto sa operasyon ng mga tauhan ng Quezon City police at Philippine Drug Enforcement Agency noong Pebrero 22, 2020. Retrato mula sa NCRPO PIO
MAYNILA – Tinatayang nasa P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa buy-bust operation na ikinasa sa Quezon City noong hapon ng Sabado, kung saan naaresto ang 3 suspek.
Matapos bentahan ng hinihinalang droga ang pulis na nagpanggap na buyer, hinuli ng pinagsamang puwersa ng Quezon City Police District at Philippine Drug Enforcement Agency ang target na si alyas “Michelle” sa tapat ng isang convenience store sa Barangay Kaligayahan bandang 4:30 ng hapon, ayon sa ulat mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO).
Kasamang naaresto ni Michelle ang 2 niyang kasamahan na lalaki, ayon sa NCRPO.
Nakumpiska umano sa operasyon ang isang transparent plastic bag na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 500 gramo, 5 bundle ng boodle money, at isang cellphone.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ayon sa pulisya.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, metro, krimen, shabu, war on drugs, buy-bust operation, Quezon City, Quezon City Police District, Philippine Drug Enforcement Agency, NCRPO