Lalaki natagpuang patay sa ilalim ng tulay sa Quiapo

ABS-CBN News

Posted at Feb 23 2020 06:15 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki ang natagpuan sa ilalim ng Quezon Bridge malapit sa Quinta Market sa Quiapo nitong Linggo ng madaling araw.

Ayon sa pulisya, bandang alas-2 ng madaling araw nang unang nakarinig ang mga opisyal ng Barangay 306 ng sunod-sunod na putok ng baril bago nadiskubre ang duguang katawan ng lalaki.

Sa kuha ng CCTV, makikitang sakay ng tricycle ang biktima nang pagbabarilin ng riding in tandem. Tumakas agad ang mga salarin.

Madilim at walang tao sa ilalim ng Quezon Bridge sa mga oras na iyon.

May tama ng bala sa ulo at katawan at idineklarang dead-on-the-spot ang naturang biktima, na nasa 35 hanggang 40 daw ang tinatayang edad.

Wala pang ideya ang mga pulis sa motibo at kung sino ang salarin sa krimen.

—Ulat ni Michael Joe Delizo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.