Pasahero ng LRT-2 nakuhanan umano ng droga

ABS-CBN News

Posted at Feb 23 2019 04:52 PM | Updated as of Feb 23 2019 08:12 PM

MAYNILA (UPDATED) -- Isang pasahero ng LRT 2 ang nakuhanan umano ng droga sa Araneta Cubao station ngayong Sabado. 

Kinilala ang suspek bilang si Francisco Ferrer, 47, o alyas "Perry" na isang mekaniko na taga-Pasig City. 

Unang sinabi ni Quezon City Police District Station 7 Station Drug Enforcement Unit chief Ramon Aquiatan na nakuhanan ang pasahero ng limang gramo ng hinihinalang shabu. 

Mga security guard ang nakadiskubre nito habang iniinspeksyon ang bag ng suspek na papasok sana sa tren bandang alas-2 ng hapon. 

Pero ayon sa inilabas na spot report ng QCPD Station 7, nakuha daw sa suspek ang isang ziplock na naglalaman ng tuyong dahon ng marijuana na nagkakahalagang P6,000. 

Nasa kustodiya na ng QCPD Station 7 ang suspek habang inaantay ang paghain ng kaso laban dito. 

-- Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.