Konsehal ng Cebu patay sa pamamaril sa Zamboanga del Sur

Dynah Diestro, ABS-CBN News

Posted at Feb 23 2019 04:44 PM

Patay ang isang konsehal ng San Fernando, Cebu matapos pagbabarilin sa bayan ng Ramon Magsaysay, Zamboanga del Sur nitong Sabado.

Pauwi na sana si Alfonso Donaire IV mula sa pag-ehersisyo nang pagbabarilin ng mga salarin na nakamotorsiklo, ayon kay Senior Insp. Ryan Wakat, hepe ng Ramon Magsaysay Police.

Narekober sa crime scene ang 5 basyo ng kalibre .45 na baril.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.