ALAMIN: Mga kalsadang isasara sa paggunita ng EDSA People Power

ABS-CBN News

Posted at Feb 23 2019 03:23 PM

Nagtipon-tipon ang ilang grupo sa paligid ng EDSA Shrine para ipagdiwang ang ika-33 anibersaryo ng People Power Revolution, Sabado ng umaga. Ilan sa mga naging usapin sa pagtitipon ang paglabag sa human rights, banta sa demokrasya at pag-atake sa press freedom. Angela Coloma, ABS-CBN News

Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na isasara ang dalawang kalsada kasunod ng paggunita ng ilang grupo sa ika-33 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution. 

Isinara na ngayong Sabado, Pebrero 23 ang EDSA-bound na kalsada ng White Plains Avenue mula Corinthian Gardens Gate patungo sa EDSA simula alas-12:01 ng madaling araw para sa isang pagtitipon sa People Power Monument. 

Isasara ang naturang kalsada hanggang alas-8 gabi. 

Isasara naman sa mga sasakyan ang isang lane sa EDSA sa harap ng People Power Monument mula alas-6 ng umaga Lunes, Pebrero 25, hanggang alas-10 ng umaga ng araw na iyon. 

Inaabisuhan ang mga motorista na gumamit ng mga alternatibong ruta. 

-- Ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.