Sunog sumiklab sa MPD Station 5

Michael Delizo, ABS-CBN News

Posted at Feb 23 2018 08:00 PM

MAYNILA - Sumiklab ang sunog sa bodega ng Manila Police District Station 5 nitong Biyernes ng hapon.

Nagsimula ang sunog alas-3:43 ng hapon at naapula makalipas ang 20 minuto.

Walang naiulat na nasaktan sa insidente. Pansamantalang pinalabas naman ang 10 detainees sa istasyon.

Ayon kay Supt. Emerey Abating, nagsimula ang sunog matapos magkadikit-dikit ang mga wire ng lumang socket sa stockroom at dumikit sa nakaimbak na papel na madaling masunog.

Naabo ang mga lumang logbook at mga helmet na nakaimbak sa silid.

Kasalukuyang sinusuri ng mga bombero ang electrical wiring ng buong himpilan habang nakapatay ang kuryente. --May ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.