Sunog sa Malate: 2 aso patay, natagpuang 'magkayakap'

ABS-CBN News

Posted at Feb 23 2018 06:52 PM

Mabilis na nilamon ng apoy ang 20 bahay na tinitirhan ng 60 pamilya sa Singalong Malate, Maynila bandang alas-9 ng umaga Biyernes.

Suwerte namang walang gaanong tao sa mga tirahan dahil nakapila ang mga ito sa isinasagawang libreng gupit sa lugar.

"Short circuit" sa isa sa mga bahay ang itinuturong dahilan ng apoy. 

Dalawa lamang ang naiulat na sugatan. Isa rito si Gian Abadinez na sumugod sa umaapoy na tirahan para sagipin ang kaniyang alagang aso. 

Hindi naman niya nailigtas ang mga aso ng kapitbahay. Dalawang aso ang patay, na nakuhanan pang "magkayakap" sa loob ng isa sa mga bahay. 

Umabot sa second alarm ang apoy at nagdeklarang fireout bago mag-alas-12 ng tanghali habang nasa area pa ang mga bumbero para sa mopping-up operations.

Umabot sa P300,000 ang tinatayang naging pinsala ng sunog.

--Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.