Photo from Jay Dayupay, ABS-CBN News
Nagbigay ng abiso ang Department of Justice (DOJ) na magtataas na rin ang presyo ng NBI Clearance simula sa Marso 12 dahil sa mas mataas na Documentary Stamp Tax (DST) na dala ng
Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.
"The NBI will be charging a fee of P130 per clearance certificate from the original P115 to comply with the Documentary Stamp Tax rate adjustment," saad ng isang dokumento mula sa DOJ.
Ang NBI Clearance ay isa sa mga pangunahing dokumento na kinakailangan para makapagtrabaho.
Hinihingi ito ng mga kumpanya upang masiguro na walang criminal record ang mga papasok na empleyado.
-- ulat mula kay Jay Dayupay, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
NBI, NBI clearance, Department of Justice, TRAIN Law, Tagalog news, tax reform, Documentary Stamp Tax, DST