Drayber na sangkot sa 'towing modus' sa QC, arestado

ABS-CBN News

Posted at Feb 23 2018 08:35 PM | Updated as of Nov 07 2019 04:28 PM

Watch more in iWantTFC

Arestado sa follow-up operation ng awtoridad ang drayber ng towing truck ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na inireklamo sa modus ng pagbutas sa fuel hose ng trak sa G. Araneta, Quezon City. 

Hindi na nakapalag si Ryan Granada, drayber ng towing truck na accredited ng MMDA, nang arestuhin siya ng mga pulis ng Quezon City Police District (QCPD) traffic sector sa Novaliches, Quezon City. 

Inireklamo si Granada ng drayber at pahinante ng isang trak matapos umano niyang butasan ang fuel hose ng trak ng mga biktima kaya tumirik sa may G. Araneta, Quezon City. 

Ayon sa QCPD traffic, modus operandi na ito ng mga towing company. 

Todo-tanggi naman ang naarestong drayber ng towing truck. 

Nakapangalan ang tow truck sa Top Gear, pero ayon sa may-ari nito na si Robert Ramos, nakikikabit lang sa kanya ang nasabing tow truck.

Matagal na rin umano nila itong pinagbawalang mag-operate. 

Dahil sa nangyari, plano ng MMDA na suspendihin ang fleet ng Top Gear. 

Tuloy naman ang pagsasampa ng kaso sa nahuling drayber ng towing company. 

--Ulat ni Doland Castro, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.